Gusto ko lamang ipahatid ang aking pagka-inis sa driver ng sinasakyang jeep ng aking kapatid nuong nakaraang byernes na siyang naging dahilan ng kanyang pagkakahospital at pagkawala ng trabaho. Dahil sa pagiging reckeless ng driver na ito aqt pagiging gahaman sa pasahero, ikinabig nya ang jeep nya pakanan at nabangga sa isa pang nakahintong jeep. Sa harapan nakasakay ang kapatid ko kaya ang nangyari sumangkalan ang kanang braso nya sa pagitan ng spare tire ng isang jeep at sa bakal na sandalan ng jeep na sinsakyan nya. At kahit na may MMDA sa lugar, hindi iyon kinausap ng driver at nagpatuloy sa pagtakbo. Ang dahilan nya...dadalhin na daw kasi nya ang kapatid ko sa duktor. Ang nangyari iniwan nya ang kapatid ko sa Fatima Hospital at babalik na lang daw sya. Duon pa lang ang dami na nyang violation. Una, kapag may sakuna ireport agad sa otoridad, sa kasong iyon sa MMDA na nandun sa lugar. Pangalawa, kapag may nasaktan dapat pababain na ang ibang pasahero upang madala ng maayos sa hospital ang biktima. Himala namang bumalik ang driver ngunit pilit nyang inaabutan ang kapatid ko ng P400.00 bilang danyos. Hanggang ganun lang daw ang kaya nya. Hindi kami naghahabol ng malaking pera. Una inabala na nya kami, kapatid ko ang nasaktan at hindi siya at the least magpakita sya ng concern. Ang kaso nuong hinihingi namin ang lisensya nya wala syang maipakita dahil ipinatago nya sa asawa nya ang lisensya nya. Kinailangan pang puntahan ng kapatid ko ang asawa nya para makuha ang lisensya. Ang nangyari pa sumugod ang asawa nya sa hospital at inaaway pa kaming lahat. Kami pa ba ang sisigawan pagkatapos ng nangyari. Tapos sasabihin nila hindi daw namin iniintindi na hanggang duon lang ang kaya nila. Sana nagpakita man lang sila ng kahit konting bahid ng pagsisi. O kaya nanghingi man lang ng dispensa. Nuong papunta na kami sa pulis para magreport saka pa lang nagsosorry ang driver pero ang asawa nya tinatalakan pa din kami. ANG KAKAPAL NG MUKHA NYO. Ayoko ng pumunta sa iba pang detalye. Sa ngayon nakipag-ugnayan na kami sa operator ng jeep, naireport na sa pulis ang nangyari at naghihintay na lang kami kung kelan nila kami babayran sa gastos. Ang kapatid ko, sa awa ng diyos ay hindi naman napilayan, ngunit natanggal sya sa trabaho. Under evaluation kasi sya dahil end of contract na pero pinapapasok pa din sya for regularization. Pagkatapos na hindi sya makapsok kinabukasan dahil sa pinasala sa kanya nagdesisyon ang kumpanya nila na i-end of contract sya. Sa driver na si Arnel Dumolon at sa kanyang asawa DIYOS NA ANG BAHALA SA INYO. Kung may mangyari man sa inyo KARMA nyo un.
Route: Malanday-Divisoria
Operator: Cecille Sandiko
Plate #: NXU-717
Ito ang kapatid ko ngayon...
That's terrible. I wanted to make upak that driver and his wife while reading this! Di bale, karma is a bitch
ReplyDelete